Friday, August 8, 2008
kayod marino!!
Buhay sa amerika pangarap nang bawat pilipino. Ang sarap pakinggan para sa mga magulang natin pag sila ay tinanong anong trabaho o nasaan ang anak niyo nag tratrabaho? At buong dangal nilang sasagutin nasa amerika o ibang bansa ang anak ko. Ang katotohanan na ang hirap nang buhay sa ibang bansa at kung maari na dalawa dalawa ang trabaho mo para makapag padala ka sa pinas at pambayad sa utang. At ang mag simula ka sa pinaka mababang posisyon dahil sa iba ang standard nila kaysa sa pilipinas. At nag iilusyon ka kung sa akala mo ay makakabili ka nang bahay sa sandaling panahon. May batayan din sila eto ay ang tinatawag nilang credit scoring. Kung sa pinas takot tayong mangutang. Dito sa amerika kung wala kang utang ibig sabihin wala kang kapasidad or kredibilidad dahil yan ang batayan nila. At ang masaklap pa nito pag nagbakasyon ka sa pilipinas obligado kang mag dala nang pasalubong dahil pag wala ang sasabihin nang mga kamag anakan mo nag bago ka na dahil nakarating ka lang sa amerika. Ang pinoy sala sa lamig sala sa init. Kaya sa mga kababayan nating may kamag anakan sa ibang bansa hinay hinay po sa panghuhusga at paalala po kayod marino kami dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment